Skip to main content

Netizen sa sekyu na nakabaril ng Intsik - Ang totoong biktima dito ay yung guard


Christopher Madeja Cristobal, composite photos from Facebook
Hinimok ng isang Netizen na kilala sa pangalang Christopher Madeja Cristobal grupong Rouser Group of the Philippines (RGP) sa isa nitong Facebook post na tulongan ang pobreng guard na nabilanggo sa pag – paslang nito sa dayuhang intsik na si Albert So sa labas ng Condominium na pinapasukan nito.

Nabalita nito lamang Martes ang insidenteng naganap sa pamamaril ng isang sekyu na nakilalang si Jovel Baet ng High Pacific Residences sa nagngangalang Albert So na idineklara nang ‘Dead on Arrival’ sa Jose Abad Santos General Hospital matapos tumamo ng bala ng Kalibre .45 sa katawan nito.

Ayon sa imbestigasyon ng Pulisya, may apat pang katao sa kalapit na lugar ng pinangyarihan ang natamaan ng ligaw na bala. Agad namang tumakbo ang sekyu papalayo sa eksena kung saan naganap ang pamamaril ngunit kinalaunan ay nadakip din ito ng awtoridad.
Christopher Madeja Cristobal, photo from Facebook
Depensa naman ng ‘SUSPEK’ na ngayo’y naka – bilanggo  na, nagawa lamang niya ito dahil naubos na ang pasensiya at wastong pag unawa sa biktima dahil sa pa-ulit – ulit na lamang nitong panduduro at pagmumura sa kanya sa tuwing pinapa – urong nito ang pinaparadang motor. Dagdag pa ni Baet, hinamon pa siya ng dayuhan na bunutin ang baril at paputukan ito kung talagang ‘matapang’ aniya ito.

Tumanggi namang magpahayag ang pamilya ng napaslang ngunit nahaharap ngayon sa kasong murder, serious physical injuries, at physical injuries itong si Baet.

Subalit giit naman ng netizen na si Cristobal, si Baet talaga ang tunay na ‘BIKTIMA’ sa nangyaring insidente dahil siya na nga ang naapi, siya pa ang nakakulong ngayon. Kaawa – awa naman daw aniya ang naiwang pamilya ni Baet na makukulong nang dahil lamang sa pahamak na naidulot ng banyaga sa sarili nating bansa.

Dahil dito, nanawagan si Cristobal sa mga ka – baro nito sa Riding Community na tulongan o mabigyan lang ng suporta ang naiwang asawa’t anak ni Baet habang ito ay nakapihit sa kulungan.

Bahagyang nag trending ang post na ito ni Cristobal na ipinamahagi na din ng mahigit 9,000 beses ng iilang Netizens.
Photo from Facebook
Narito ang kabuo – an ng kanyang post:

"hindi talaga ako mapakali at subrang awa ko sa security guard na ito. na maraming beses na palang ginagawa sa kanya yan nong MR. ALBERT SO.

"na sa tuwing nag paparada daw ng mamahaling motor at ipina paayos ng guard ang pagka park nya ay puro mura at masasakit na salita ang ginagawa nya sa guard kung minsan may time paraw na pinipitik pa ng kaamo ni alberto so yong sikmura ng GUARD.

"sa nangyari kahapong insedente ay ito ang pang huling encounter nila nong mayabang na ALBERT SO. at naubos na ang pasensya ng kawawang pobre GUARD.

"Sa Totoo lang sa nangyaring insedente ay ang biktima dito ay yong guard dahil makukulong sya at kawawa ang asawat anak nya ma maiiwan. ng dahil sa pang hahamak sa kanya ng isang mayabang na banyagang chinese na si ALBERT SO. na sariling bansa natin ginaganyan ng mga banyaga ang kababayan natin.

"sa mga nakakaalam ng impormasyon nong GUARD ay maaring ipag bigay alam nyo sakin.. tutulongan natin ang pamilya nya. makapag bigay man lang ng kahit kunting halaga..
Photo from Facebook
"TUTULONG TAYO MGA TIGRE!! IPAKITA NATIN NA NAGKAKAISA TAYONG MGA PILIPINO AT HINDI PWEDE NA BASTA BASTA NALANG TAYONG HAMAKIN NG KAGAYA NITONG BANYAGANG CHINESE.!!

"AT ITO AY MAGING LEASON NARIN SA MGA TAONG MASYADONG MAYAYABANG NG DAHIL SA SILA AY MAYAMAN AT ANG TINGIN SA MGA KAGAYA NATING MAHIRAP AT BASURA LANG SA TINGIN NILA.

"GEAR UP RGP TIGER GROUP TUTULONGAN NATIN ANG PAMILYA NANG GUARD.

"pls share nalang mga mam sir paps para madali natin ma locate kung taga saan yong pamilya ng guard."

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  Christopher Madeja Cristobal (Facebook) and The Daily Sentry

Comments

Unknown said…
Tama, yung guard po ang tunay na biktima
Nakalaya na po ba siya? Hindi siya dapat magdusa ng matagal sa kulungan.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Popular posts from this blog

SC eyes dropping Caguioa

As ponente in poll case vs Robredo THE Supreme Court (SC), sitting as the Presidential Electoral Tribunal (PET), is considering replacing Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa as the ponente in the election protest case filed by former senator Ferdinand Marcos Jr. against Vice President Maria Leonor Robredo, sources said. Well-placed sources told The Manila Times that after an overwhelming majority of magistrates rejected Caguioa’s draft ruling recommending the dismissal of the poll protest, a new ponente will likely be appointed. “The new ponente shall come from the majority after Ben (Caguioa) became the dissenter to the case,” the source said. Only Senior Associate Justice Antonio Carpio supported Caguioa’s proposal. Last week, 11 justices moved to set aside Caguioa’s ponencia. Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa. Source: sc.judiciary.gov.ph The tribunal instead decided to release to the camps of Marcos and Robredo the report on...

Robredo wanted to sabotage ICAD

Photo from The Daily Tribune At last, President Rodrigo Roa Duterte fired Vice President Maria Leonor Robredo as vice chairman of the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). Her ouster had long been overdue, and it was triggered by Robredo herself. The President simply did what was expected of him under the circumstances. Upon assuming the ICAD post, Robredo geared herself on a collision course with President Duterte. First, Robredo announced a “zero-killing policy” that was completely antagonistic to the zealous anti-illegal drugs program the President is known for. In doing so, she virtually branded the President’s campaign as an evil undertaking. Next, Robredo acted on her own as if she was the entire ICAD, and adamantly demanded from the Philippine Drug Enforcement Agency the release to her of classified intelligence information on so-called “high value targets” being cased by the said anti-narcotics agency. She refused to see that the usefulness of...