![]() |
Photo credit to Ms. Krizette Chu's Facebook page, MindaNews and PhilNews |
Hindi napigilan ni Krizette Laureta Chu, kilalang manunulat at sikat na personalidad sa social media
ang maglabas ng pagkadismaya sa mga tao na diumano ay naghahanap ng pondo para sa Marawi.
Kahapon, Hulyo 16, 2018, sa kanyang Facebook account, isiniwalat at ibinahagi ni Chu ang apat na imahe ng balita mula sa iba't-ibang kilalang media outlets na magpapatunay diumano na ang mga tulong na tinanggap ng pamahalaan ay hindi lahat sa laang-salapi kundi mas malaking bahagi ay kagamitan o armas, at medikal na panggamot ng mga sundalo.
![]() |
Photo shared by Ms. Chu (Credit to her Facebook page, Youtube, Rappler and Philstar) |
"Yung ibang donation nila, in supplies."
"Yung sa China, in ammunition and other guns and also for medical treatment of the soldiers, not all cash, because that's what they said. They wanted the money to go directly to the medical treatment of the soldiers.", ani Ms. Krizette.
Kanya ding binigyang diin na ang tulong mula sa bansang Australia ay ibibigay sa loob ng apat na taon at wala pa diumanong isang taon ng ipahayag ito ng nasabing bansa.
"Ang 1 billion ng Australia is to be given "over a period of 4 years." Wala pang one year since they announced it.", dagdag niya.
Ipinaliwanag din ni Chu na ang donasyon galing sa European Union ay para sa mga panustos ng pagkain at inumin, pangangalagang pangkalusugan, mga hygiene kit, sanitary facility at mahahalagang gamit sa bahay.
"Yung donation naman ng EU, binigay nila for provision of food, water supply, healthcare, hygiene kits, sanitation facilities and essential household items." aniya.
Malinaw ding inihayag ni Ms. Chu ang galit sa mga taong inihahalintulad ang pondo ng Marawi sa pondo para sa mga biktima ng Yolanda at sinabing isa itong insulto para sa biktima ng bagyong Yolanda noon.
![]() |
The City of Marawi (Photo credit to Bombo Radyo) |
"Nasan daw ang billions ng Marawi? What an insult to Yolanda victims.", sabi niya.
Ayon sa sikat na manunulat, ang nangyayaring paghahanap ngayon sa pondo ng Marawi ay isang pagtatakip sa korapsyon na naganap noong nagdaang panahon ng Yolanda na hanggang ngayon ay wala pa ding kasagutan kung saan napunta ang nasabing pondo.
"Leche, trying to erase the evil of the corruption done during Yolanda when Wala pang one year since the last soldiers were pulled out of Marawi."
"Sa Yolanda hindi nyo pa nasasagot. Dyan kayo magaling, diversion.", ani Chu.
Sa huling bahagi ng kanyang pahayag, nagbiro pa si Ms. Krizette na magpaturo ang mga taong ito sa Bise Presidente kung paano magbilang, ngunit mariin niyang tinapos ang salaysay at sinabing hindi lahat ng namumuno ay gumagawa ng pagnanakaw at walang-awa tulad ng mga iniidolo ng mga ito.
"Paturo kayo Kay Leni sa Math para ma add up ninyo."
"Hindi lahat kasing magnanakaw at walang awa gaya ng mga idol ninyo.", pagtatapos niya.
Basahin ang kanyang buong pahayag sa ibaba:
![]() |
Screenshot of Ms. Krizette Chu's post (Photo credit to her Facebook page) |
"May nagpapauso diyan, trying to make Marawi the new Yolanda.
Nasan daw ang billions ng Marawi?
What an insult to Yolanda victims.
Hello po, kung marunong lang kayo mag research, sana Di nyo tinatanong.
Ang 1 billion ng Australia is to be given "over a period of 4 years." Wala pang one year since they announced it.
Yung ibang donation nila, in supplies.
Yung sa China, in ammunition and other guns and also for medical treatment of the soldiers, not all cash, because that's what they said. They wanted the money to go directly to the medical treatment of the soldiers.
Yung donation naman ng EU, binigay nila for provision of food, water supply, healthcare, hygiene kits, sanitation facilities and essential household items.
Leche, trying to erase the evil of the corruption done during Yolanda when Wala pang one year since the last soldiers were pulled out of Marawi.
Ayan, matuto kayo mag Google. O ayan from Rappler para Hindi nyo sabihing lie from the devil.
Sa Yolanda hindi nyo pa nasasagot. Dyan kayo magaling, diversion.
Paturo kayo Kay Leni sa Math para ma add up ninyo.
Hindi lahat kasing magnanakaw at walang awa gaya ng mga idol ninyo."
Sources: Krizette Laureta Chu and The Daily Sentry
Comments