Photo credit to Atty. Glenn Chong's Facebook account |
Sa kabila ng madaming pangbabatikos na kinakaharap ni Atty. Glenn Chong dahil sa kanyang tapang na isiwalat ang diumano ay naganap na pandaraya sa nagdaang 2016 eleksyon, patuloy pa rin siyang lumalaban upang patunayan na mayroon ngang katiwalian sa naganap na halalan noon.
Sa kanyang 'Facebook account' ibinabahagi ng abogado ang lahat ng nalalaman at patuloy na pagtuklas sa katotohanan ng anomalya at ang pinakahuli at pinakabago ay ang kanyang pagsisiwalat sa sinasabing 'isang milyong pahina ng mga ebidensya na nagmula mismo sa Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic.'
Bago matapos ang buwan, may bagong pasabog si Atty. Chong at ibinahagi niya ito sa social media,
kasama ang mga larawan ng ebidensya na diumano ay mga naka-print na mga dokumento tulad ng audit reports, audit.log printouts, ballot images, statistical reports, election returns and ballots lists mula sa Smartmatic at hawak mismo ng Comelec na galing sa Naga City at iba't-ibang bayan sa Camarines Sur.
Photo shared by Atty. Chong. (Credit to his Facebook account) |
Inilahad din ng abogado na umabot diumano sa dalawang taon bago ibinigay ng Comelec ang mga dokumentong ito at nangyari lamang ang pagsuko dahil nagpalabas ng kautusan ang House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) na ibigay ang ebidensya.
Isiniwalat din ni Atty. Chong na ito ang matagal na niyang ipinaglalaban sa Senate committee hearings na ayaw talagang ibigay dati ng Comelec sa kadahilanan na sa mga dokumentong ito makikita ang katibayan ng naganap na dayaan, anomalya at iregularidad sa halalan noong 2016 kung saan makikita ang pagtamper sa mga balota.
Inanunsyo din dito ni Atty. Chong na mismong si Atty. Romulo Macalintal, abogado ni VP Leni Robredo, ay aminado na authentic ang mga ebidensyang ito.
Atty. Romulo Macalintal and VP Leni Robredo (Photo credit to Philstar) |
Basahin ang kanyang buong pahayag sa ibaba:
"ISANG MILYONG PAHINA NG MGA EBIDENSIYA
MULA SA COMELEC AT SMARTMATIC"
"Ito ang mga larawan ng isang milyong pahina ng mga printed documents tulad ng audit reports, audit.log printouts, ballot images, statistical reports, election returns and ballots lists mula sa mga SD cards ng Smartmatic at hawak ng Comelec. Ito ay galing sa Naga City at 7 pang bayan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur.
Umabot ng halos 2 taon bago nila ito ibinigay kahit na halos nagmamaka-awa na si dating Congressman Luis R. Villafuerte kay Andres Bautista at sa Comelec. Tulad ng ginawa nila kay BBM, pinahirapan din nila si LRV. Buti na lang at nagpalabas ng kautusan ang House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) na ibigay na ang mga ebidensiyang ito kay LRV.
Ang ibang mga kandidatong nagprotesta ay hindi gaanong mapalad. Tulad halimbawa sa protesta mula sa bayan ng Oras, Eastern Samar. Hindi talaga sila pinagbigyan ng Comelec.
Ito ang matagal ko ng ipinaglaban sa Senate committee hearings. Ayaw talagang ibigay ng Comelec ang mga dokumentong ito dahil dito makikita ang mga bakas ng kanilang krimeng ginawa sa sambayanang Pilipino.
Kasama ang 12 trained volunteers, siniyasat at binusisi namin isa-isa ang mga dokumentong ito sa loob ng mahigit 5 buwan upang patunayan ang maraming anomalya at iregularidad sa halalan at mga paglabag sa batas na ginawa ng riding in tandem (Comelec + Smartmatic).
Dito makikita ang mga bakas ng pagtamper ng mga ballot images. Dito makikita ang kritikal na paglabag sa batas ng riding in tandem (Comelec + Smartmatic) na nagsilbing pintuan upang makapasok ang mga resulta mula sa mga peke o cloned voting machines. Dito makikita ang marami pang mga bagay na magpapatunay na hinding-hindi mapagkatiwalaan ang sistema ng Smartmatic.
Aminado si Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Leni Robredo, na walang duda at authentic ang mga ebidensiyang ito dahil galing ito mismo sa Comelec at Smartmatic at inimprinta sa ilalim ng direct supervision ng HRET."
Comments