Composite photos from Facebook Hindi na nakapag – pigil pa ang Alkalde ng Ormoc City at dating aktor na si Richard Gomez nang masilayan ang kinalabasan ng ipinapatayong housing projects ng National Housing Authority (NHA) na nakalaan para sa mga naging biktima ng Lindol sa Barangay Gaas noong Hulyo 2017. Ayon sa balita, inatasan ni ‘Goma’ ang NHA na i-demolish na lamang ang mahigit – kumulang 16 Housing Units matapos mapag – alaman na ‘substandard’ materials lang ang ginamit ng private contractor nito. Mga housing units sa pagitan ng Block 3 hanggang 7 sa kabuo – ang 190 units ng relocation site ang di – umano’y ginamitan ng ‘substandard’ na hollow blocks upang mapatayo ang mga ito. Naging viral naman ang video sa Social Media kung saang nakita si Alkalde Richard Gomez na tinutuligsa ang Engineer ng NHA dahil sa naging kapabayaan nito nang binisita ang mismong lugar. Richard Gomez / Photo from CNN Philippines Aniya, “Huwag nyong biktimahin ang biktima na. ...