Photo from pilipinomirror.com
Pinagpapaliwanag na ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa aberyang idinulot ng ahensya sa transport network vehicle service (TNVS).
Nagresulta kasi sa samu’t saring reklamo ng TNVS ang pagkakaudlot sa pagbigay ng mga permit ng TNVS community, sa kabila ng mga naunang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na simplehan at pabilisin ang mga transaksyon, partikular sa pagbibigay ng mga permit sa mamamayan.
Binigyan lamang ng tatlong araw ng ARTA ang LTFRB para sagutin ang pagkakaantala ng pagbibigay ng permit to operate ng TNVS.
Pinasalamatan naman ng mga commuter at transport groups ang ARTA sa pagpasok nito sa naturang usapin.
Source and Original Article from: >>> radyopilipinas.ph
Comments