Photo from Google Images
Muling naisantabi sa Kamara ang panukalang Franchise renewal ng broadcasting network na ABS-CBN.
Sa pinakahuling pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises na pinamumunuan ni Palawan Cong. Franz Chicoy Alvarez, hindi pinansin ang inihaing franchise renewal application ng Kapamilya network.
Ito’y sa kabila ng limang (5) panukalang batas na nakasalang hinggil dito.
Nabatid na mas nabigyan pa ng pansin ang prangkisa ng iba pang kumpanya kabilang ang First United Broadcasting Corporation, Lanao Del Norte Electric Cooperative, Bicol Light at Power Corporation kahit pa may pagtutol ang ilang miyembro ng Franchise panel.
Paliwanag naman ni Alvarez, naunang asikasuhin ang franchise application ng mga nabanggit na kumpanya alinsunod na rin sa Section 48 ng House rules.
Pinamamadali aniya ng nasabing patakaran ang pagtalakay sa mga panukalang lehislasyon na inaprubahan na ng nakalipas ng Kongreso subalit bigong maging ganap na batas.
Magugunitang, hindi nakausad ang Franchise renewal application ng ABS-CBN sa ilalim ng 17th Congress.
Una rito, nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ibi-veto niya ito sakaling makalusot sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
Source and Original Article:>>> DWIZ882.com
Comments