Photo courtesy of Facebook/Roger&Lisa |
Ang pambato ng Team Philippines sa 2019 30th SEA Games surfing event na walang iba kundi si Roger Casugay, isa sa pinakamagaling na surfer ng bansa.
Sinasabing napakalakas ng tiyansa na maiuwi ni Casugay ang gold medal sapagkat higit sa ito ay tubong La Union, ay pamilyar na din ito sa Mona Liza’s point, isang tanyag na lugar sa pag-surf at siya ding pagdarausan ng SEAG competition. *
Ngunit sa di inaasahang insidente habang nagaganap ang gold medal match sa pagitan ng katunggaling Indonesian kung saan ay biglang naptol ang tali ng kanyang surf at tuluyan na nga itong nahulog mula sa kanyag surfboard.
Agad namang tinulungan ni Roger ang kanyang katunggali at iniligtas mula sa panganib, kahit na nakasalalay pa rito ang gintong medalya na kanilang pinaglalabanan.
Agad namang tinulungan ni Roger ang kanyang katunggali at iniligtas mula sa panganib, kahit na nakasalalay pa rito ang gintong medalya na kanilang pinaglalabanan.
Samantala, madami ang humanga sa kabayanihan na ginawa ni Roger, agad hinangaan sya ng mga nanood sa nasbing event at maging ang mga netizens ay pinapurihan din sya.
Ang ating bayaning surfer, bayani din ng mga hayop
Ngunit alam nyo ba, na isa din palang Animal rescuer si Casugay? Bukod kasi sa pagkakaligtas nya sa kanyang Indonesian competitor, ay mahilg din magligtas ng mga hayop ang ating magiting na atleta.
Photo courtesy of Facebook/Roger&Lisa |
Ayon sa ulat ng Daily Tribune, nito lamang Oktubre, Si Roger at ang kanyang partner ay nasa Calicoan Island in Guiuan, Eastern Samar, para sa ikalawang yugto ng sinasalihang kompetisyon na Philippine Surfing Champonship nang may nakitang aso na pipilay-pilay ito.
Pagkatapos ng kompetisyon ay daliang dinala ni Casugay ang kawawang aso sa isang beterinaryo upang ipagamot ito. Kahit pa kinailangang magbyahe ng tatlong oras para makarating sa beterinaryo.
Maging ang kanyang partner na isang foreigner na taga Netherleands na si Lisa Verweil, ay mahilig din magrescue ng mga stray cats.
Makikita sa isang post ni Lisa sa kanyang Facebook account noong October 22, aniya: “A few days ago we found a very injured dog at the beach of Calicoan, Samar. Both his back legs fractured and open wounds. It was heartbreaking and so sad. Also very skinny, hungry and thirsty. Today I’m so grateful to say we were able to bring the dog to Tacloban (3 hours) drive. We found a rescue shelter who will take care of him and brought him to the vet. The leg(s) will be amputated.”
“Forever grateful to Hope and Haven 4-Paws Animal Rescue in Tacloban for taking care of this dog and give him a chance to live. So thankful. You’re doing amazingly good work and definitely can use more donations,” dagdag pa ng kasintahang si Lisa. *
Samantala, sa kasagsagan ng balitang pagligtas ni Roger sa kapwa surfer, nagsalita naman ang may ari ng asong narescue nina Roger sa Eastern Samar.
“Roger has a heart of gold he rescued our dog with broken back legs last month brought him to the vet in Tacloban 3 hours away and paid for his medical bills,” ayon sa entrepreneur at designer na si Renée Patron.
Dagdag pa ni Patron, ang pangalan ng asong niligtas nina Roger ay nag-ngangalang “Chuey”. Isa si Chuey sa mga alagang aso ni Patron na mula Giuan, Eastern Samar.
Sa kasalukuyan, nakapost sa official Facebook page ng 2019 SEA Games, inanunsiyo nito na pansamantalang pinagpapaliban muna ang Surfing competion.
Isa ang surfing sa mga naapektuhang event sa 2019 SEA Games dulot ng Bagyong Kammuri o may kilala sa atin bilang bagyong “Tisoy”. Mas prayoridad umano ng mga organizers ang kapakanan at kaligtasan ng mga atleta.
Source and Original Article: >>> The Daily Sentry
Comments