Wushu superstar Agatha Wong defends her medal wins from bashers: "Pilipino ako, mahal ko ang bayan ko!'
Pinagsama samang larawan mula sa Twitter at Google |
Hindi porke Chinese ang kanyang apelyido ay kaya siya nanalo, ito ang sinabi ni Wushu medalist na si Agatha Wong sa kanyang Twitter post nitong Sabado lang.
Ayon sa tinaguring Wushu superstar, Intsik man ang dala niya sa kanyang pangalan ay isa pa rin siyang Pilipina, higit sa kung anupaman.
Aniya, siya ay pinanganak sa bansang Pilipinas at mahal niya ang kanyang bayang sinilangan.
“My last name’s Chinese and yet I am a Filipina; more than anything. I was born in the Philippines, grew up in the ph and represent the Philippines wherever I go. Mahal ko ang bayan ko.” Ayon sa post ni Agatha
“So don’t tell me I’m Chinese kaya ako nanalo. Nanalo ako dahil Pilipino ako, at lalaban ako.” Dagdag pa niya
Ayon sa naging panayam ng SPIN Life kay Agatha, ibinahagi ng atleta na ang kanyang post na ito patungkol sa Filipino pride ay nag trending na at umabot sa halos 3 libong retweets.
Sinabi umano ito ni Agatha matapos sabihin ng ilang tao na “natural” lang na siya ay Manalo sa kumpetisyon ng wushu dahil isa siyang Chinese.*
Larawan mula sa Inquirer |
"What they don't know is that I have sacrificed a lot to stay in this sport. Just because my last name is Chinese, it doesn't mean that I would have (automatically) won the games. If my last name was Fernandez (middle name), it would make no difference. I would still give my best to compete against my opponents." Pahayag ng atleta
Samantala, dahil din dito ay bumuhos ang suporta para sa wushu superstar. Narito ang ilan sa mga mensahe ng netizens mula sa Twitter.
“Ignore niyo po mga bashers online. Keep up the good work and thank you very much for representing our country.”
“I feel you Agatha..wag pansinin mga ungas na yan!!! Apir tayong mga Chinese ang last name pero Pinoy na Pinoy ang puso!! para sa BAYAN!!!!”*
“Why should your last name be an issue when 90%+ of us have got Spanish surnames?”
“Mabuhay ka, atletang Pilipino! You are strong and beautiful. Thank you for all your efforts to excel in your sport. We are proud of you!”
“Wag nyo nga inaaway si crush! Kaya siya nanalo kasi ginalingan niya at pinaghirapan niya paghandaan yung laban.”
Nilinaw rin ni Agatha na hindi na bago sa kanya ang ganitong uri ng paninira, dahil bahagi daw ito ng kanyang tagumpay.
Larawan mula sa ABS CBN |
Ayon din sa kanya, kailangan lang niyang ipaliwanag na siya ay may dugo at pusong Pilipino.
"I just had to explain that I am a Filipino — born and raised in the Philippines, by heart and by blood. My first and second language is Filipino. Now I just hope that people will be more informed about my background." Aniya
Source and Original Article: >>> The Daily Sentry
Comments