Photo from The Daily Sentry
Sa gitna ng hindi matigil-tigil na paga-alburoto ng Taal Volcano, isang person with disability ang namataan na nagkakakawanggawa. Ito ay sa kabila ng kanyang kondisyon at kasalukuyang sitwasyon na maaari mismo niyang ikapahamak.
Base sa video na in-upload ng netizen na si Marty Karlo Adarlo, mapapanuod ang isang lalaking may kapansanan na namimigay ng libreng surgical face mask sa mga motoristang dumadaan. Kahit naka face mask ang lalaki, makikitang hindi nito alintana ang kapahamakan na dala ng hangin kung kaya inuna pa nito ang pagmamalasakit sa kapwa.
Ayon sa ilang mga balita, nagkaubusan na ng face mask sa halos lahat ng pharmaceutical stores matapos magsimulang magbuga ng abo ang nagngangalit na bulkang Taal noong Linggo, January 12.
Comments