-Hindi pinalagpas ni Jay Sonza ang naging pahayag ni DJ Chacha tungkol kay Senator Bato kamakailan
-Idinaan pa nito ang patutsada sa DJ sa kapwa journalist na si Ted Failon
-Anito, huwag na raw paglihian ni DJ Chacha si Senator Bato dahil delikado na raw ang prangkisa ng kanilang network sa Senado at sa pangulo
-Sinabi kasi DJ Chacha na dapat daw mag-resign na lang si Bato dahil nasa pangulo naman daw ang loyalty nito at wala sa bayan
Hindi pinalagpas ni Jay Sonza ang naging pahayag ni DJ Chacha tungkol kay Senator Ronald "Bato" Dela Rosa kamakailan.
Si Sonza ay isa sa mga kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng mga kaalyado nito. Prangka rin at deretso kung magbigay ng pahayag ang mamamahayag.
Sa kanyang Facebook post noong Pebrero 20, sinagot nito ang naging pahayag ni DJ Chacha tungkol kay Senator Bato at idinaan pa nga sa kapwa journalist na si Ted Failon na kasama ng DJ sa isang radio program.
Matatandaang nagviral sa social media ang sinabi ni DJ Chacha na dapat daw na mag-resign na lamang ang senador dahil nasa pangulo naman ang loyalty nito at wala sa bayan.
“I suggest mag-resign na dapat si Senator Bato sa pagiging senador at mag-apply na Bodyguard ng Presidente tutal naman ang loyalty niya ay sa Pangulo at hindi sa taong bayan,” ayon sa tweet nito.
Pero banat naman ni Sonza, huwag na raw paglihian ni DJ Chacha si Senator Bato dahil delikado na raw ang prangkisa ng kanilang network sa Senado at sa pangulo.
02.20.2020
Cong. Teodoro Etong
Failon Ngayon
DZMM 630 KHz
Dear Mr. Ted Failon,
Greetings!
Pakisabi sa iyong tandem na si Ms. Muwah2 Tsup2 (deejay chacha) enjoy ako sa kanyang pakiyot-kiyot sa inyong programa tuwing umaga, lalo na kapag nilalandi-landi ka niya on air.
Pakisabi huwag na niyang paglihian si general bato. delikado iyong legislative franchise natin pagdating sa senate at kay pangulo.
At saka pakisabi sa kanya kung magpapakodak siyang buntis, huwag siyang haharap sa camera. nawawala iyong sense of mystical ek-ek.
I'm a fan. regards to your legion of listeners. Pag-ayoayo bai.
Yours,
jysonza
Sa isa pang ulat ng KAMI, sinabi ni Sonza na dapat daw na hingan din ng pahayag ang ilang bigating pangalan kaugnay sa franchise renewal ng ABS-CBN tulad nina Mel Tiangco, Willie Revillame at Erwin Tulfo na dating nagkaroon ng isyu sa network.
Source and Original Article: >>> msn.com and KAMI
Comments