Skip to main content

Marcos family gives contradictory statements about Bongbong Marcos COVID-19 test result

Tila magkakaiba ang pahayag ng mga kapamilya ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., 62, tungkol sa COVID-19 test result nito.
Base sa lumabas na pahayag ni Bongbong mismo kahapon, March 26, nagpa-test na ang dating senador ngunit hindi pa niya nakukuha ang resulta.
Sabi ni Bongbong: "As my sister said, a few days ago I was feeling a little under the weather and as a result went to get checked. We are still waiting for the results."
Pero sa hiwalay na statement ng misis niyang si Atty. Liza Araneta Marcos, lumabas na raw ang resulta ng COVID-19 test ni Bongbong.


Negatibo raw ito.
Ayon pa kay Atty. Liza, hindi lang si Bongbong ang nagpa-COVID-19 test, kundi pati silang pamilya at ang buong staff nila, at lahat sila ay negatibo.
Maliban dito, isang araw lang ay nakuha na raw nila ang resulta.
Bahagi ng statement ni Atty. Liza: "Yesterday, we had ourselves and our entire staff tested for COVID-19. Fortunately, we all tested NEGATIVE."
Naglabas ng magkahiwalay na pahayag ang mag-asawang Bongbong at Liza matapos lumabas ang balitang nasa kritikal na kundisyon ang tanging anak na lalaki ng yumaong President Ferdinand Marcos at Imelda Romualdez.
Ito raw ay matapos magbihaye si Bongbong sa Spain, ang bansang sa ngayon ay nagtatalaga ng pangalawang pinakamataas na bilang ng patay mula sa COVID-19, matapos ng Italy.


Ayon naman sa bali-balita, inilipad diumano sa Singapore ang dating presidential son para doon gamutin, at sakay ito ng eroplano ni Chavit Singson, isang kaalyado ng mga Marcos sa Ilocos.
Mahigpit itong pinabulaanan ng misis ni Bongbong. 
Kalakip ng mga pahayag nina Bongbong at Liza ang larawan ng dating senador, na nakaupo sa kama at may hawak na isyu ng isang pahayagan noong araw na iyon.
Ito ay upang patunayang mali umano ang mga lumalabas na balita tungkol sa kalusugan ni Bongbong.
Narito ang magkahiwalay at tila taliwas na pahayag nina Bongbong at Liza na lumabas sa social media at sa news websites:
Ferdinand Marcos Jr. sitting on a bed


© Provided by PEP.ph


a person sitting on a bed

© Provided by PEP.ph
SANDRO MARCOS ON RESULT OF DAD'S COVID-19 TEST
Ayon naman sa panganay na anak nina Bongbong at Liza na si Sandro Marcos, hindi pa nakukuha ng kanyang ama ang resulta ng COVID-19 test nito.
Base ito sa sagot ng 25-anyos na binata sa isang netizen na nagtanong kung bakit nakapagpa-COVID-19 test na ang pamilya ni Bongbong at nakuha agad ang resulta.
Ikinumpara ng netizen ang estado ng pamilya Marcos sa estado ng frontliners at Persons Under Investigation (PUIs) na namamatay na lang ay wala pa ring resulta ang kanilang COVID-19 tests.
Sa tweet niya kahapon, March 26, itinanggi ni Sandro na may resulta na ang COVID-19 test sa kanyang ama.


Itinanggi rin ng binata na sumailalim siya sa parehong test.
Pahayag ni Sandro: "Sorry po but my dad has not yet received the test results, pending pa.
"He went to St Lukes BGC alone.
"I have not taken the test anywhere because no symptoms but am on self quarantine."
Wala nang iba pang detalyeng ibinigay si Sandro.
Nitong mga nakalipas na araw, malaking usapin ang impormasyong nangunguna ang top-ranking government officials sa COVID-19 testing, at inaakusahang lumalabag sa Department of Health protocol.
Sa naturang protocol, ang direktiba ay unahin sa COVID-19 testing ang mga pasyenteng 65-anyos pataas, at iyong mga nagtataglay ng marami at malubhang sintomas.

BONGBONG SERIOUSLY ILL DUE TO COVID-19?



Kahapon, sa panayam ni Erwin Tulfo kay Senator Imee Marcos sa radyo, tinawag nitong "fake news" ang balitang malubha ang lagay ng kapatid na si Bongbong at inilipad ito sa Singapore.
Tanong ng radio-TV broadcaster: "Actually, Ma’m, e, si Utol ninyo, napi-fake news ngayon na serious daw si BBM, at sinugod na sa Singapore dahil hindi na raw kaya ng mga doktor dito, e.
"Tinawagan ko ang kanyang chief-of-staff, sabi, ‘Sir, nagpapahinga si BBM at mag-e-exercise pa maya-maya.’
"Ano ho ba talaga ang totoo?" 
Sagot ng senadora, fake news daw ito.
Pero inamin niyang hindi pa sila nagkikita ni Bongbong mula nang bumalik ito sa Pilipinas.
Sabi ni Imee, "Naku, Erwin, hindi naman totoo yun kasi ang balita ko… hindi rin kami nagkita, e.


"Hindi pa kami nagkikita ni Bongbong, kasi last week, dumating galing sa Spain yata, e.
"Masama yung lagay, dire-diretso sa bahay, wala naman daw pupuntahang quarantine, e.
"After a few days, nagpa-test na siya, e."
Komento pa Imee, ang panganay sa mga anak ni Ferdinand at Imelda, "Talaga namang itong mga fake news, hindi nakakatulong sa panahon ng tunay na sakuna, ano ba naman ito!"
Kahapon din ay nagpadala ng mensahe si Senator Imee sa reporters at sinabing wala pang resulta ang COVID-19 test ng kapatid.
Banggit pa nito, nalaman lang niya ang kumakalat na balita tungkol kay Bongbong sa pamamagitan ng Messenger group ng kanilang pamilya.
Source and Original Article:>>>  msn.com and pep.ph

Comments

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Popular posts from this blog

Duterte gives 24-hour ultimatum to address new ‘Tanim-Bala’ incident

President Duterte gave officials at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 24 hours to investigate the recent “tanim-bala” or bullet-planting incident at the airport, his most-trusted aide said. President Rodrigo Duterte (ROBINSON NIÑAL JR./PRESIDENTIAL PHOTO/MANILA BULLETIN) Special Assistant to the President Christopher Go made the announcement to reporters in Davao City following the viral Facebook post of Kristine Moran chronicling the incident. Go said that the government has directed the Department of Transportation (DOTr), Manila International Airport Authority (MIAA), and Office for Transportation Security to investigate the incident. “Inaalam ngayon ng authorities kung saan nanggaling ‘yon, kung ano ang puno’t dulo. Kung talaga bang hinulog para mangikil. So pakinggan din natin, antayin natin ang imbestigasyon (Authorities are finding out where the bullet came from, what really caused this incident. If the bullet was placed just to extort. So let’s wait...

The self-righteousness and hypocrisy of activists ruin otherwise noble advocacies

Photo from getrealphilippines.com There are a lot of hypocrites in the Philippines. I think it has something to do with the country being religious. Mind you, being religious is different from being spiritual. Being religious is easy. It’s simply following dogma or “set of principles laid down by an authority as incontrovertibly true”. One doesn’t have to think much when one chooses to be religious. As a matter of fact, a lot of religious folks don’t think. They just follow whatever everyone else is doing in their religious organisation. Being spiritual is something else. It means being in tune with yourself and other people. It has more to do with following the natural flow of things. When someone is spiritual, it means he or she is in touch with everything around him or her. I think it’s the opposite of being religious because when a person is spiritual, that person is aware of her surroundings as opposed to blocking out what is happening in real life. Religious people tend ...

PH inks P633 billion in trade, investment deals with China

President Rodrigo Duterte (L) shakes hands with Chinese President Xi Jinping before their meeting at the Great Hall of the People in Beijing on April 25, 2019. Kenzaburo Fukuhara, Pool/AFP MANILA  (UPDATE)  - The Philippines signed Friday 19 business deals with Chinese firms amounting to P633 billion ($12.16 billion) on the sidelines of the second Belt and Road Forum in Chinese capital Beijing. According to the Department of Trade and Industry, Manila's business delegation signed a contract agreement, 2 cooperation deals, 2 purchase framework deals, and 13 memoranda of agreement or understanding. Majority of the deals cover energy, infrastructure, food, telecommunications, tourism, and economic zone development. The agreements are expected to generate over 21,000 jobs, the DTI said. President Rodrigo Duterte along with several of his Cabinet members witnessed the signing of the business agreements. View image on Twitter Pia Gutierr...