Iza Calzado Ibinalita ng manager ni Iza Calzado na negatibo na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang resulta ng isinagawang pagsusuri sa aktres. Noong nakaraang linggo, ipinaalam ni Iza sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post na naka-confine siya sa ospital at ginagamot dahil sa pneumonia, na isa sa mga komplikasyon ng virus. Sinabi rin noon ng aktres na isinailalim siya sa COVID-19 test at hinihintay pa nila ang resulta. Nitong Sabado, sinabi ng talent manager ng aktres na si Noel Ferrer na nakuha na nila ang resulta ng COVID-19 test at positibo sa virus si Iza. Gayunman, bumuti na raw ang kalagayan ng aktres at kinunan na uli ng panibagong pagsusuri si Iza para alamin kung taglay pa niya ang virus. Sa social media post ni Noel ngayong Lunes, ibinahagi niya ang magandang balita na negatibo na ang resulta ng COVID-19 test kay Iza. "[T]he good news is — Iza’s retest results came back and she is now negative for CoVid," sabi ni Noel sa ...