Photo from Google Images
Tinawag na "fake news" ni Arnold Clavio ang kumalat na balitang nag-deactivate na ito ng kanyang social media accounts.
Ito ay pagkatapos umano ng post niya tungkol sa isang ospital sa Quezon City na tumigil na sa pagbibilang ng COVID-19-related deaths.
Sa Instagram post ng GMA News anchor ngayong Lunes ng hapon, April 13, ibinahagi niya ang screenshot ng isang Facebook post na nagsasabing wala na siya sa social media.
Nakasaad sa post: "So apparently Arnold Clavio removed himself from social media.
"Whatever happened to journalistic integrity?
"Buti pa newspaper writers during Martial Law, even when jailed or threatened to be killed, would stand their ground.
"Many have died to tell their truths, and our media people now like Arnold and [Maria] Ressa are not even jailed, but easily wuss out.
"Puro pabida, walang sustansya.
"Ngayong panahon, pag hindi mo mapanindigan ang sasabihin mo, imbes mag sorry ka, you will deactivate your social media account and say you were threatened.
"Threatened? By whom? Hindi pwedeng nabuking ka lang na sinungaling?"
Naka-superimpose sa screenshot ng Facebook post ang "FAKE NEWS!"
Sa caption ay ipinaliwanag ni Arnold na may nagpadala lang sa kanya ng post na ito na ikinakalat sa social media rin.
Pero malamig na mensahe ni Arnold sa nag-post: "Sorry to disappoint po.
"Hindi ko alam saan mo nakuha ang impormasyong ito.
"Mas madaling mang-intriga at magtago sa terminong ‘fake news’ kaysa sagutin ang inilatag na mga isyu.
"Nandito pa ako sa Instagram at walang planong umalis.
"Hanggang ngayon nga ay ‘disabled’ pa rin ang aking Facebook account at messenger.
"Salamat sa nagsumbong sa FB. (smiling face with smiling face emoji)."
"I DO NOT PEDDLE FAKE NEWS"
Idiniin ng 54-year-old broadcast journalist na bahagi siya ng mainstream media—ang TV station na GMA Network at ang radio station nitong DZBB.
Hindi raw siya katulad ng iba na gumawa lang ng social media account para "pumuna o pumuri kung saan makikinabang."
Binanggit na rin ni Arnold ang reputasyon niya bilang dyornalista.
"Titulado at may marangal na trabaho at regular na suweldo.
"At marami na rin naman akong exposé na hindi talaga magugustuhan ng mga mawawalan ng pakinabang."
Kasunod nito, muling iginiit ni Arnold na hindi siya nagpakalat ng impormasyon tungkol sa COVID-19 cases sa isang ospital upang mag-create ng panic at gulo.
Ang intensiyon niya raw ay upang maaksiyunan kaagad ito ng mga kinauukulan.
Saad niya, "Much has been said about what transpired but if I may state and reiterate my position.
"The intent was not to call out or to criticize without any factual basis, but to bring to the attention of the authorities an urgent matter that is both worrisome and alarming."
Ni hindi raw siya ang unang pinagsabihan ng frontliners ng ospital tungkol sa malaking problema nila sa sunod-sunod na namamatay.
"Ipinarating na nila sa namumuno bago sa akin.
"Pero walang nangyari hanggang umamoy na ang naagnas na mga bangkay."
Pagdidiin pa ni Arnold: "I do not peddle fake news. At puwedeng balikan ang aking mga post - #notofakenews.
"Neither am I courting public attention at the expense of public welfare."
Umaasa si Arnold na hindi siya tingnan ng mga tao na kontrabida sa pagkakataong ito.
Gusto lang daw niyang ilahad ang katotohanan.
Dagdag ng Unang Hirit host, "I hope you don’t see me as antagonist because all I ever wanted was to bring light to the truth.
"The truth shall set us free.
"Thank you. Be safe everyone! #labanlang"
Source and Original Article: >>> msn.com and pep.ph
Comments